Pagsubok

Pagsubok na walang katapusan. Napapahinto napapaisip san na napunta ang pag iibigan. Ilang beses na nag kasakitan. Paulit ulit ang bangayan, paikot ikot ang dahilan, sunod sunod na alitan. Unti unting nawawalan ng saysay ang pag titiis, puro sakit. Sama ng loob na hindi na maikubli, puro hinanakit. Paano pag gising mo’y parang ayaw mo na? Lahat ng sama nang loob ay nag sama sama. Lahat na lang pag kakamali, nadadagdagan pa kada lingong dumadaan. Parang sinasadya na lang, parang tama na lang, sumuko na lang. Pwede ba un? Pwede bang umayaw na lang. Nang walang sisihan, nang hindi na umabot sa pag kakagalit ang dating nag iibigan. Tumigil na lang, huminto na lang, tutal naman hindi mauubos ang mga pagsubok hangga’t hindi natatapos ang pagiibigan.

Selos

Nagseselos ng walang karapatan
Pakiramdam na binabalewala lang
Madayang tadhana puso’y nasaktan
Siya’y tinuring lang na kaibigan
Takot aminin ang katotohanan
Baka ito pa ang sanhi ng iwasan
Kaya mabuting itago na lang
Kesa masira pa ang pagkakaibigan

Pasekretong umiibig

Pasekretong umiibig
Sa kanya ay di masambit
Ang tunay na nadarama
Puro sulyap sa twina
Di mapigilan pagtingin
Sana’y mapa’ sa akin
Naakit sa kanyang ngiti
Pag ibig na di na maikubli

Nagdurusa

Nagdurusa’t nag iisa nag iintay ng iyong lambing
Pusong nanlalamig hinahanap ang iyong pag-ibig
Ikaw ay biglang nag paalam tinatanong kung bakit
Mga halik na walang kasing tamis, akap na mahigpit
Alaalang sinusubukan wag balikan ngunit mapilit
Sinusubukan patawarin, iyong pangalan bukang bibig
Lungkot na nadarama pusong nagtatago ng hinanakit
Ikaw pa din ang tinitibok ng puso oh anong sakit

Makapiling ka

Wala na bang puwang ang aking pag ibig
Sawi pa din hangang sa huling saglit
Sana’y di ka na lumisan pa
Ngayun ako’y nag durusa

Wala ka na bang makita pag pag asa
Walang kasing tamis pag naaalala ka
Ang ningning ng iyong mga mata
Dinarasal na muling makapiling ka

Tamang Panahon

Pusong giniginaw mali ang tinitibok
Uhaw sa pag-ibig ulilang lubos
Nababaliw na isip nagmamatigas
Batong lumalaban sa tadhanang subok
Siya’y nagtitiis habang nasasaktan
Mga matang laging nakatingin sa kawalan
Isang lalaking hinding hindi ka papabayaan
Naghihintay na mapansin ang nararamdaman
Laging nariyan handang nagiintay ng pagkakataon
Siya’y nagaabang ng kanyang tamang panahon

Tinatagong Lihim

Meron akong tinatagong lihim
Hindi alam kung paano sasabihin
Daanin ko na lang sa pabirong paraan
Ang pagpaparamdam ng nararamdaman
Hindi alam kung anung gagawin
Natatakot na baka hindi mapansin
Itatago ba o ipaparating

Panitikan

Isa puso ang bawat letra ng alpabeto
Tahakin ang landas ng isang manunulat
Wag titigil hangang hindi ka kuntento
Magsanay upang maging magaling na arkitekto
Wag mag da’dalawang isip gawin mo mismo
Lawakan ang ka-isipian gamitin ang natutunan
Maging mahusay na makata malupit sa literatura
Ilabas ang saloobin sa bawat tinta
Ipagyabang ang nilikha ng talino
Ipaglaban ang sining na nagawa mo
Mga sulat na hinulma ng karanasan
Pagyamanin ang sariling kaalaman
Igalang ang mga bihasa sa panitikan

Ewan

Gusto kita
Nagulat ka ba?
Iiwas ka na?
Galit ka?
Matutuwa ka ba?
Anong mangyayari sa atin dalawa?
Magiiba na ba ang tingin mo skin?
Kasalanan ko ba?
Kasalanan mo ba?
Anong gagawin natin ngayun ha?
May naiisip ka ba?
May plano ka na?
Anu kayang sasabihin nila?
Magagalit ba sila sa akin?
Hindi ko naman alam na mag kakaganto
Alam kong hindi mo din alam to
O napansin mo na?
Pinapahalata ko naman talaga
Kaso natatakot ako
Ayokong masayang ang pagkakaibigan natin
Ayokong mawala ka sa tabi ko
Sayang naman ang pinag samahan natin
Iiwas na ba ako?
Ay nako
Ewan ko ba
Ewan ko lang talaga