Selos

Nagseselos nang walang karapatan,

Pakiramdam na binabalewala lang.

Madayang tadhana, puso’y nasaktan,

Itinuring lang na kaibigan.

Takot aminin ang katotohanan,

Baka ito pa ang sanhi ng pag-iiwasan.

Kaya mabuting itago na lang,

Kaysa masira pa ang pagkakaibigan.