THESIS TIPS

1. Wag masyadong mayabang sa thesis kasi lalo kang dudurugin. pag tinanung ang functions wag mong sabihin lahat. ( kung hindi ka naman grade conscious ) pag binangit mo lahat ng alam mo yari ka kasi hindi yun ang itatanung sayo. mawawalan ka ng pang change topic.

2. Tamang sagot lang. pag pina elaborate. tsaka mo lang ielaborate. ang pag eelaborate e parang programming. if gnyan ganto. again. wag mong kukumpletuhin ang sagot mo. ikaw din. :))

3. Pag nag tagalog ang panel mag tagalog ka na. pag umenglish. tagalog pa din.

4. Eye contact. kung hindi kaya, tumingin ka sa laptop at magtuturo turo sa screen.

5. Pag hindi mo alam ang sagot. dapat may senyasan na kayo ng mga kagrupo mo or pakiramdaman na lang

6. Pag hindi niyo alam ng mga kasama mo ang sagot. wag kang mag panik. ibigay mo ang opinyon mo ng hindi straight to the point. ex. “sa bandang anu po yun” “i think” “i believe” mga ganyan. wag isure. pag mali sagot mo. sorry ka na lang. more or less sila mag tuturo sayo ng sagot.

7. ANG PINAKA HULING ALAS. “Sir/Maam idadagdag na lang po namin sa recommendation” isang beses mo lang pwedeng gamitin. bawat sabi mo niyan -1 sa grade mo.

8. Hindi masyadong technical/codes ang mga tanong ( sa panel namin at sa iba din pwera lang sa  #9 ) anung kayang gawin ng admin. user. pinag kaiba nila. panu pumunta sa. anung mangyayari pag. paano pag. in short. aralin ang UI. wag masyado sa docu.

9. Si sir L^* lang mahilig mag technical nung time namin. malas mo. mag orasyon muna bago defense.

10. Mag dasal. dumaan sa chapel.