THESIS TIPS

Huwag masyadong mayabang sa thesis kasi lalo ka lang dudurugin. ‘Pag tinanong ang functions, huwag mong sabihin lahat (kung hindi ka naman grade conscious). ‘Pag binanggit mo lahat ng alam mo, yari ka kasi hindi na ‘yun ang itatanong sayo at mawawalan ka ng pang-change topic.

Tamang sagot lang. ‘Pag pina-elaborate, tsaka mo lang i-elaborate. Ang pag-e-elaborate ay parang programming: if ganito, ganyan. Again, huwag mong kukumpletuhin ang sagot mo—ikaw rin. :))

‘Pag nag-Tagalog ang panel, mag-Tagalog ka na. ‘Pag nag-English, Tagalog pa rin.

Eye contact. Kung hindi kaya, tumingin ka sa laptop at magturo-turo sa screen.

‘Pag hindi mo alam ang sagot, dapat may senyasan na kayo ng mga ka-grupo mo o pakiramdaman na lang.

‘Pag hindi ninyo alam ng mga kasama mo ang sagot, huwag kang mag-panic. Ibigay mo ang opinyon mo nang hindi straight to the point. Halimbawa: “Sa bandang ano po ‘yun,” “I think,” “I believe”—mga ganyan. Huwag siguraduhin. ‘Pag mali ang sagot mo, sorry ka na lang. More or less, sila na ang magtuturo sa ‘yo ng sagot.

ANG PINAKAHULING ALAS: “Sir/Ma’am, idadagdag na lang po namin sa recommendation.” Isang beses mo lang pwedeng gamitin ito; bawat sabi mo nito, -1 sa grade mo.

Hindi masyadong technical/codes ang mga tanong (sa panel namin at sa iba rin, maliban na lang sa #9). Ano ang kayang gawin ng admin at user? Ano ang pagkakaiba nila? Paano pumunta sa…? Ano ang mangyayari ‘pag…? Paano ‘pag…? In short, aralin ang UI, huwag masyado sa docu.

Si Sir L^ lang ang mahilig sa technical nung time namin.* Malas mo; mag-orasyon muna bago defense.

Magdasal. Dumaan muna sa chapel.

One thought on “THESIS TIPS”

Leave a Reply