Pusong giniginaw, mali ang tinitibok,
Uhaw sa pag-ibig, ulilang lubos.
Nababaliw na isip, nagmamatigas
Batong lumalaban sa subok ng tadhana.
Siya’y nagtitiis habang nasasaktan,
Mga matang laging nakatingin sa kawalan.
Isang lalaking hinding-hindi ka pababayaan,
Naghihintay na mapansin ang nararamdaman.
Laging nariyan, handa’t naghihintay ng pagkakataon,
Siya’y nag-aabang ng kaniyang tamang panahon.