Pagsubok na walang katapusan. Napapahinto, napapaisip saan na napunta ang pag-iibigan? Ilang beses nang nagkasakitan. Paulit-ulit ang bangayan, paikot-ikot ang dahilan, sunod-sunod na alitan. Unti-unting nawawalan ng saysay ang pagtitiis; puro sakit. Sama ng loob na hindi na maikubli, puro hinanakit.
Paano kapag paggising mo’y parang ayaw mo na? Lahat ng sama ng loob ay nagsama-sama. Lahat na lang nagkakamali, nadadagdagan pa bawat linggong dumadaan. Parang sinasadya na lang, parang tama na lang, sumuko na lang. Pwede ba iyon? Pwede bang umayaw na lang nang walang sisihan, nang hindi na umabot sa pagkagalit ang dating nagmamahalan? Tumigil na lang, huminto na lang, tutal naman hindi mauubos ang mga pagsubok hangga’t hindi natatapos ang pag-iibigan.
Grabe. Ang ganda. Nakakamiss mag blog.
LikeLike
maraming salamat po! 🙂
LikeLike