Ewan

Gusto kita
Nagulat ka ba?
Iiwas ka na?
Galit ka?
Matutuwa ka ba?
Anong mangyayari sa atin dalawa?
Magiiba na ba ang tingin mo skin?
Kasalanan ko ba?
Kasalanan mo ba?
Anong gagawin natin ngayun ha?
May naiisip ka ba?
May plano ka na?
Anu kayang sasabihin nila?
Magagalit ba sila sa akin?
Hindi ko naman alam na mag kakaganto
Alam kong hindi mo din alam to
O napansin mo na?
Pinapahalata ko naman talaga
Kaso natatakot ako
Ayokong masayang ang pagkakaibigan natin
Ayokong mawala ka sa tabi ko
Sayang naman ang pinag samahan natin
Iiwas na ba ako?
Ay nako
Ewan ko ba
Ewan ko lang talaga

6 thoughts on “Ewan

Leave a comment