Nagdurusa’t nag-iisa, naghihintay ng iyong lambing
Pusong nanlalamig, hinahanap ang iyong pag-ibig
Ikaw ay biglang nagpaalam, tinatanong kung bakit
Mga halik na walang kasingtamis, akap na mahigpit
Alaalang sinusubukang ‘wag balikan ngunit mapilit
Sinusubukang patawarin, iyong pangalan ay bukambibig
Lungkot na nadarama, pusong nagtatago ng hinanakit
Ikaw pa rin ang tinitibok ng puso, oh, anong sakit!
may ganun talaga, friend? haha.
LikeLike
hahahaha oi girl. haha. nagulat ako sayo. 🙂 madalaw nga blog mo 🙂
LikeLike
kanta ba to? Ang sarap gawan ng tono 🙂
LikeLike
talaga? hindi ako marunong gumawa ng tono. hahaha 🙂
LikeLike