Sa sandaling nag kakilala

Maaring sandali pa lang tayo nag kakasama
pero sa sandaling iyon minahal na agad kita
Maaring hindi pa tayo ganung mag kakilala
pero para sa akin ikaw na talaga o sinta

Simple lang ang pangarap ko makasama ka sa tuwina
Ngunit ang aking minimithi ay medyo lumalabo na
Dahil sa isang banda ikaw ay may iba pala

Sana lang wag mo akong makalimutan at laging iisipin na
Andito lang ako na nag mamahal sayo nang sobra sobra o sinta

Mahirap

Mahirap mag mahal pero mas mahirap pigilan ito
Mahirap mabuhay nang nag iisa pero mas mahirap umasa
Mahirap mag habol ngunit mas mahirap mabaliwala lahat
Tip ko lang, bawal ang tanga. Baka madapa ka. At mahulog pa.
Simple di ba?

Nakaw Tingin

Nung una puro nakaw tingin lang
Sulyap dito sulyap doon
Siguro nga napansin mo na
at minsan na ilang pa
Ngunit ano ang akin magagawa
Ako’y napahulog mo na

Minsan ako’y nahuli mo na rin
Ako’y nahiya at sumubok wag nang umulit pa
Pero talagang di matiis na di sumulyap
Sayo’ng napakagandang mukha na di nakakasawa

Hangang dumating ang araw na di ko na nakaya
at sinubok na tayo’y mag kakilala
pero hindi ko na kaya ang hiyang dala dala
Sana lang dumating ang araw
Na tayo ay mag kasama oh aking sinisinta