Biglang

Ikaw, pwede mo bang basahin ang blog ko?
Ikaw lang ang laman nito, hindi mo ba naalala?
Ang mga panahon na tayo’y masaya?
Yung mga panahon na laging tayong nagkikita
Magkasama, magkakwentuhan, nag kukulitan
Kasama ang mga kaibigan mo, mga tropa ko
Inaasar nila tayo, napapangiti kita,
Masaya tayong dalawa, kaso biglang dumating siya

Kakayanan

Nagulat ako sa mga nangyari
Isang bagay na hindi ko inaasahan
Pangyayaring kahit sa panaginip ay hindi ko nakita
May kakayanan ka pala para gawin ito sa akin sinta
Ako’y iyong iniwan
Iniwan ng walang paalam
Iniwan na hindi lumingon man lang
Narito’t ako’y nag durusa
Ngunit kahit ganun pa man ako’y nag iintay
Iniintay ang iyong pagbabalik sinta

Ako’y parang kandila na naupos na

Ako’y nagising
Sa isang panaginip
Na tayong dalawa daw
Ay habang buhay na magsasama
Sa aking pag tayo sa kama
Aking napuna
Ang iyong iniwang singsing
Singsing na nagisimbolo ng pag ibig
Singsing na puno ng pangako
Pangako na walang iwanan
Ako’y natulala
Ng naalala ko lahat ng masasayang alalala
Masakit isipin
At ayoko ng lumuha pa
Tila panaginip lang ang lahat
Ang pag ibig na hindi maglalaho
Ang pagsasama ng masaya
Ako’y parang kandila na naupos na

Ano ba?

Ano bang nagawa kong mali
Alam ko nag kulang ako
Pero di ko inakalang ito ang kapalit
Minahal kita ng lubusan
Buong oras ko’y ibinigay
Ultimo mo kusing inalay
Pero hindi pa din sapat ang lahat
Andito ko’t umiiyak
Hangang nagyon’y nagtataka
At siguro habang buhay magdurusa
Bakit mo nagawa to sinta

Samahan

Ito’y isang simpleng samahan
Na di pwedeng talikuran
Lagi lang akong nariyan
Lalo na pag kailangan
Ito’y hindi lang dahil mag kaibigan
O dahil nakasanayan
Meron pa’ng mas malalim na dahilan riyan
Mahal kita
Nagulat ka ba
Wag ka mag alala
Ito’y di makakasira
Sa nasimulang pgsasama
Ganun pa din ang pag titinginan
Nating dalawa

Samahan 2

Minahal kita
Ito’y iyong tinanggihan
Dahil ayaw mo ma-lamatan
Ang nasimulang samahan
Ako’y nagsisisi
Dahil umamin pa
Sa totoo lng
Hindi kita maintindihan
Sa iyong mga dahilan
Ganito pala talaga ang pagibig
Hindi dapat managinip
Na ikay mapunta
Sa aking panig
Sana lang mabago ang ihip
Para ikaw ay mapaisip
Baka skaling tumuwid
Ang iyong desisyong
Sa akin ay nag baon
Sa malalim na bukid

Ang aking nadarama

Halata na ata ang aking nadarama
Ang aking pag tingin sa iyo sinta
Minahal agad kita kahit di pa tayo ganung mag kakilala
At lalung naakit sa iyo tuwing ika’y nakikita
Simpleng tao lamang ako
Malayo sa iyong inasam na maging kasintahan
Ngunit khit ganun paman ang aking pag mamahal sa iyo
Ay lubusan ay hindi matutumbasan
Sa na lang ito’y iyong masuklian

Akala ko

Nung una akala ko ayus na
Mahal kita at sabi mo mahal mo din ako
Naniwala ako ng buong puso sa mga sinabi mo
Higit sa lahat ikaw lang ang minahal ko
At tinuring ko na ikaw ang buhay at mundo

Akala ko ayos na
Dumating ang araw na nakalimot ako
At di sinasadya na akalain ko na ikaw ay akin
Ngunit ikaw nga pala ay may iba pa

Ako’y napaisip. Ano ba talaga ako para sayo?
Ito’y tanung na ilang ulit ko na sinambit
Ngunit hindi mo ata marinig

Ano ba talaga tayo?

Mahirap 2

Mahirap mag mahal pero mas mahirap pigilan ito
Mahirap mabuhay nang nag iisa pero mas mahirap umasa
Mahirap mag habol ngunit mas mahirap mabaliwala lahat
Mahal na mahal kita sana lang di ako mahirap malimutan kita