Nagdurusa

Nagdurusa’t nag iisa nag iintay ng iyong lambing
Pusong nanlalamig hinahanap ang iyong pag-ibig
Ikaw ay biglang nag paalam tinatanong kung bakit
Mga halik na walang kasing tamis, akap na mahigpit
Alaalang sinusubukan wag balikan ngunit mapilit
Sinusubukan patawarin, iyong pangalan bukang bibig
Lungkot na nadarama pusong nagtatago ng hinanakit
Ikaw pa din ang tinitibok ng puso oh anong sakit

4 thoughts on “Nagdurusa

Leave a comment